PNP hindi mag aaklas sa pangulo ayon sa NCRPO Chief

Muling iginiit ni NCRPO Regional Director Major/General Guillermo Eleazar na nanatiling tapat pa rin ang mga PNP sa pangulong Rodrigo Duterte sakabila ng pahayag ng pangulo na kung pinag-iisipan siyang ikudeta siya ng militar at pulis.

 

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Eleazar na walang dahilan upang sila ay mag-aklas sa pangulo dahil malaki naman ang kanilang mga sahod  at wala naman silang nakikita ngayon na lumabag ang pangulo sa batas.

 

Naninidigan si Eleazar na mananatili silang tapat sa ating Konstitusyon at hindi nila pinapayagan ang mga pulis na makisawsaw sa politika dahil malinaw ang kanilang mandato na protektahan ang mga inosenteng sibilyan.


 

Paliwanag ni Eleazar solido ang kanilang suporta sa pangulo at kailanman ay hindi nila napag-uusapan ang naturang hakbang na mag aklas sa pangulo.

Facebook Comments