PNP, hindi magpapatupad ng Christmas ceasefire sa CPP-NPA

Walang suspension of police operations para sa Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA) ngayong Pasko.

Ito ang binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo.

Aniya, noong mga nakalipas na panahon kung saan may Christmas ceasefire sa pagitan ng mga awtoridad at ng teroristang CPP-NPA, ginagamit nila itong oportunidad para maghasik ng takot at umatake sa tropa ng pamahalaan.


Samantala, patuloy ring pinaghahandaan ng Pambansang Pulisya ang nalalapit na ika-56 na anibersaryo ng CPP-NPA sa December 26, 2024.

Ayon kay Fajardo, kasama sa kanilang mahigpit na binabantayan ay ang mga vulnerable at mga nasa liblib na lugar na mga police station.

Inaasahan din aniya nila ang retaliatory attack ng CPP-NPA dahil sunod-sunod na naaaresto ng pamahalaan ang ilan sa matataas nilang lider.

Ani Fajardo, magkatuwang na magbabantay ang PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP upang matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments