PNP, hindi mananawagan ng ‘timeout’

Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang evaluation ng kanilang health workers na nag-aalaga sa mga pulis na may sakit.

Ito ang tugon ng PNP kasunod ng panawagan ng ilang medical groups sa pamahalaan ng mahigpit na lockdown dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, hindi sila awtorisado na manawagan ng ‘time out’ at kailangan pa rin nilang magpatuloy.


Sa 209,000 PNP Personnel, tiniyak ni Gamboa na may sapat silang manpower para gawin ang kanilang mga trabaho.

Dagdag pa ni Gamboa, magkakaroon ng management sa deployment ng mga pulis para mabigyan sila ng panahon para makapagpahinga.

Nakiusap din si Gamboa sa PNP doctors at iba pang medical workers na manatiling nakatuon sa kanilang tungkulin lalo na sa pagbibigay ng medical attention sa kanilang mga kasamahan.

Facebook Comments