PNP, hindi na ulit magsasagawa ng DNA test sa bangkay na nakuha sa Nueva Ecija at sa magulang ni Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Wala nang balak ang PNP Crime Laboratory na isalang muli sa DNA test ang bangkay na nakuha sa Gapan Nueva Ecija na una nang kinilalang si Reynaldo de Guzman alyas Kulot.

Ito ay sa kabila na nais ng pamilya ni alyas Kulot na muling magsagawa ng DNA testing.

Ayon kay Chief Inspector Lorna Santos, Chief ng PNP Crime Laboratory DNA analysis branch, kahit pa ulitin ng kanilang hanay ang pagsasagawa ng DNA test, 100 percent na hindi tugma ang DNA sample na kinuha sa mag asawang Eduardo Gabriel at Lani de Guzman at dna sample sa bangkay na una na nilang inakalang anak na si Kulot.


Sinabi pa ni Santos na mas makabubuting ipasuri sa independent o third party ang bangkay para mabura na ang mga pagdududa.

Innamin naman ni Santos na bago inilabas ang DNA result makailang beses na sinuri ang DNA sample ng tatlo.

Facebook Comments