Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang bagong unified curfew hours sa Metro Manila.
Ito ay kahit inamin ng ahensya na hindi nila direktang naabisuhan ang pulisya hinggil dito.
Ayon kay MMDA Public Affairs Staff Chief, Director II Sharon Gatchalian, mayroong resolusyon na pinaboran ng Metro Manila mayors.
Bagamat hindi nabigyan ang PNP ng hard copy, kinausap ni Abalos is Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ukol dito.
Ang DILG ang may oversight sa operasyon ng PNP, isang civilian organization.
Batay sa bagong curfew hours, ipapatupad ito sa 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.