PNP, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID -19 ngayong araw

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mahigit 220,000 pwersa ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa datos ng PNP Health Service ngayong Huwebes, December 16, 2021, kung saan 42,240 ang total confirmed cases ng COVID-19.

Habang umabot na sa 42,090 ang mga nakaligtas sa sakit matapos madagdagan ng tatlong new recoveries.


Nananatili naman sa 125 ang mga binawian ng buhay sa PNP.

Habang mula 28 kahapon, bumaba sa 25 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Sa ngayon, umabot na sa 213,924 police personnel o 94.86 percent ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Facebook Comments