PNP hindi nakapagtala ng looting incidents at iba pang criminal activities sa Calabarzon sa harap ng patuloy ng pagaalburuto ng bulkang Taal

Walang looting incidents o nakawan at iba pang criminal activities na naitala ang Philippine National Police sa buong Calabarzon.

 

Ito ay sa harap ng patuloy na pagaalburuto ng bulkang Taal.

 

Ayon kay PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa, na kahit zero incidents nagpapatuloy ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng PNP Calabarzon para masigurong walang mangyayaring criminal activities.


 

Bukod dito wala rin aniyang naitalang casualties sa pagbuga ng abo ng bulkang Taal.

 

Pero malaki aniya ang pangangailangan ng medical teams sa mga evacuation centers.

 

Sa ngayon wala pang nakikitang pangangailangan si Gamboa na ideploy sa Batangas ang kanilang reserve force.

 

Aniya sapat pa ang mga pulis sa Calabarzon para magpatupad ng mahigpit ang seguridad sa lalawigan.

 

 

Facebook Comments