PNP, hindi nawawala sa pokus sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko sa kabila ng nagpapatuloy na police operations sa Davao City

Hindi nawawala sa pokus ang Philippine National Police (PNP) sa pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na police operations sa Davao City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, wala silang namo-monitor na seryosong banta at nagpapatuloy ang ginagawa nilang regular patrolling at enhanced managing police operations.


Samantala, muling iginiit ng Pambansang pulisya na walang overkill sa implementasyon ng warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito.

Patuloy din ang kanilang panawagan sa mga myembro ng Kingdom of Jesus Christ na tulungan ang mga otoridad na kumbinsihin si Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito na sumuko na lamang at harapin ang mga kasong isinampa sa kanila sa korte.

Facebook Comments