Hindi pa case closed ang madugong pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong isang taon na ikinasawi ng apat na indibidwal.
Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) sa kabila nang pagkakapatay ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 9 na miyembro ng Daulah Islamiyah – Maute Terrorist Group sa Lanao del Sur nitong weekend na sangkot din sa MSU bombing.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, welcome development ito sa kanila dahil sa dami ng mga nakuhang ebidensya na mag-uugnay sa mga nasawing terorista sa nangyaring pagpapasabog.
Una nang kinumpirma ng Philippine Army na sa 9 na nasawing terorista, 1 rito ang pinaghahanap na direktang may partisipasyon sa nasabing pagpapasabog
Kabilang na rito sina Saumay Saiden na kilala rin sa mga alyas na Ustadz Omar/Abu Omar at Saumay gayundin si Abdul Hadi alyas Hodi Imam at Abday’n na sinasabing nag-assemble ng bombang ginamit.
Sa ngayon, may dalawa pang pangunahing suspek ang kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.