Hindi pa napapanahon para magdeklara ng martial law sa Negros Oriental.
Ito ang pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kabila na may anim na alkalde ng Negros Island ang pumapabor sa deklarasyon ng martial law sa isla.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa Negros Oriental.
Ito ay dahil sa joint operation na isinasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP para mapanagot sa batas ang mga suspek sa mga insidente ng pagpatay.
Sa katunayan sinabi ni Banac, na ang dalawa na sina Edmar amaro at Jojo Ogatis na miyembro umano ng NPA na nahulihan ng Baril at pampasabog ay itinuro ng mga testigo na kasama sa grupong pumatay sa apat na pulis sa Ayungon noong July 18.
Habang hindi pa makumpirma ng PNP kung ang tatlong suspek na naaresto sa Badian, Cebu ay kasama sa mga suspek na pumatay sa apat na PULIS.
Una nito ay itinaas na sa limang milyong piso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa pagkaaresto ng mga supek na pumatay sa apat na pulis na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon at Pat. Marquino De Leon sa Sitio Yamot, Barangay Mabato sa Ayungon, Negros Oriental.