PNP, hindi sang-ayon sa ulat ng human rights organization na nagpapatuloy pa rin ang extrajudicial killings sa bansa

Hindi kumbinsido ang Philippine National Police (PNP) sa sinasabi ng Amnesty International na nagpapatuloy pa rin ang extrajudicial killings (EJK) noong 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, hindi nila alam kung saan nakuha ng human rights organization ang pagkakaroon umano ng mahigit 600 kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa war on drugs.

Malayong-malayo aniya ito sa mga numero ng PNP.


Binigyan-diin pa ni Fajardo na kailanman ay walang naging direktiba ang PNP na pumatay.

Kapag sinabi aniyang EJK ay maituturing itong state-sponsored o gawa ng mga awtoridad.

Aniya, hindi ito ang tinatahak na direksyon ng administrasyong Marcos.

Paliwanag ni Fajardo, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay whole-of-nation approach kung saan maging ang demand reduction ng iligal na droga ay kanilang tututukan.

Facebook Comments