PNP, hinikayat ang publiko na i-report sa kapulisan ang anumang uri ng krimen

Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na makiisa at i-report agad sa mga awtoridad ang anumang uri ng insidente o krimen.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., maituturing na crucial ang role ng taumbayan sa pagpapanatili ng peace and order sa komunidad.

Kasabay na rin ito ng mga ulat ng kaliwa’t kanang kidnapping incidents.


Inihalimbawa ni Azurin ang naging maagap na pagkilos ng concern citizen kung saan nailigtas sa kamay ng mga kidnapper ang 2 babaeng dinukot sa Pasay City.

Naagapan din ang tangkang pagdukot sa isang Malaysian businessman sa Tarlac matapos itong agad naiulat ng on duty security guard.

Sinabi pa ni Azurin na ang interes ng publiko naiulat ang krimen kahit sa social media ay isang patunay na mulat ang taumbayan sa krimen at nais makiisa sa pagpapanatili ng peace and security sa kanilang komunidad.

Pero kasunod nito binalaan ng pambansang pulisya ang publiko sa pag-po-post ng mga fake news o fake crimes na lilikha ng takot sa taumbayan.

Facebook Comments