PNP, hinimok ang mga raliyista na gawin ang kilos protesta online

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga planong magsagawa ng kilos protesta kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ito online.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, mas mainam na manatili na lamang sa loob ng bahay kung maaari.

Iginiit ni Banac na ang pagbabawal sa mass gatherings ay layong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Sa mga tuloy na magsasagawa ng protesta sa UP Diliman, ipinauubaya na ng PNP sa mga organizers na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Nilinaw rin ni Banac na wala nang iniisyung permit ang mga lokal na pamahalaan para sa mga nais magsagawa ng kilos protesta.

Bagama’t walang namo-monitor na anumang banta, naka-heightened alert ang buong pwersa ng pambansang pulisya.

Facebook Comments