Manila, Philippines – Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde si Daraga, Albay Mayor Carlwin Baldo na sumuko na sa awtoridad.
Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest ang Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 laban kay Baldo dahil sa kasong double murder at six counts of frustrated murder.
Siya rin ang itinuturing mastermind sa pamamaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at kaniyang security escort noong Disyembre 22, 2018.
Una na ring naaresto si Baldo noong Enero dahil sa hindi rehistradong armas pero agad ding pinakawalan matapos makapagpiyansa ng P3 milyon.
Facebook Comments