PNP, hirap ipatupad ang 50 percent capacity sa mga sasakyan

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na nahirapan sila sa pagpapatupad ng 50-percent capacity sa mga sasakyan, partikular sa mga pampasaherong jeep.

Batay ito sa consolidated report mula sa iba’t ibang quarantine control points (QCP) na inilatag ng PNP para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble.

Pero sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana na sa pangkalahatan ay naging mapayapa at maayos ang unang araw ng ECQ.


Nagkaroon aniya ng konting pagsisikip ng trapiko sa ilang mga checkpoint dahil sa problema sa identification documents ng ilang nagpapakilang Authorized Persons Ourside of Residence (APOR).

Kaya naman pakiusap ng PNP sa mga APOR na laging dalhin ang kanilang mga identification o ID card para mabilis silang palusutin sa mga itinalagang quarantine at border control points.

Mahigpit din ang panawagan ng PNP sa mga wala namang mahalagang gagawin sa labas na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan para makatulong na pababain ang mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments