Pnp-Hpg, Handang-Handa Na Para Alalayan Ang Mga Kababayan Nating Na Uuwi Ng Lalawigan Ngayong Undas

22

MANILA – Handang-handa na ang PNP-Highway Patrol Group para alalayan ang mga kababayan nating uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong undas.Sa interview ng RMN kay HPG Spokesperson P/Supt. Elizabeth Velasquez, sinabi nito na nakadeploy na ang kanilang mga tauhan para umalalay sa mga motorista partikular sa north Luzon Expressway, South Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.Samantala, sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang sa November 3, araw ng huwebes ang number coding para sa mga provincial buses dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero.Nilinaw naman ng MMDA na tanging mga provincial buses lamang ang sakop ng nasabing suspensyon.Nagbigay na rin ng special permit sa mga pampasaherong bus ang Inter-Agency Council On Traffic (I-ACT) para matiyak na maraming masasakyan ang mga pasahero.Sa ngayon, punuan na ang mga pasahero sa mga bus terminal partikular sa Araneta Center sa Cubao.

Facebook Comments