PNP-HPG, mas pinaigting pa ang kanilang operasyon ngayong ilang araw na lamang at Pasko na

Mas pinaigting pa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kanilang operasyon ngayong Disyembre kung saan nararanasan kahit saan ang napakatinding bigat ng daloy ng trapiko.

Ayon kay HPG Director Police BGen. Clifford Gairanod, mula lamang nitong December 9 hanggang December 15 o sa isang linggong operasyon ay umaabot na sa 364 mga sasakyan ang kanilang na-impound.

Sa naturang bilang, 301 ang motorsiklo at 63 ang mga kotse.


Aniya nasa 16,261 na mga motorista ang nabigyan nila ng ticket dahil sa samu’t saring mga paglabag sa batas trapiko.

Kasama rito ang illegal horn at siren, pagkakaroon ng blinker, modified muffler at mga sasakyan na mayroong logo ng PNP.

Samantala, maliban dito ay sinabi rin ni Gairanoid na 4 na mga indibidwal naman ang kanilang naaresto na sangkot sa carnapping.

Facebook Comments