PNP-HPG, nag-sagawa ng bloodletting activities at gift-giving sa mga batang may sakit sa Philippine Children Medical Center sa QC

Nag-sagawa ng blood-letting activities at gift-giving ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police bilang maagang pamaskong handog.

Kaninang umaga, sa pangunguna ni Police B/Gen. Dionardo Carlos, Director ng PNP-HPG, ipinaramdam ng mga pulis ang diwa ng Pasko na pagbibigayan.

62 na mga patroller ang nag-volunteer na mag-donate ng dugo kasabay nang pamamahagi ng gift pack ng mga pulis sa mga batang pasyente.


Si Captain Roady na official mascot ng HPG ang umaliw sa mga bata na pasyente ng Philippine Children Medical Center sa Quezon City.

170 mga bata ang nakatanggap ng gift packs.

Facebook Comments