PNP-HPG, nilinaw na matagal nang ipinapatupad ang mahigpit na pag-iinspeksyon sa mga pumapasok na sasakyan sa Kampo Krame

Ipinaliwang ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP–HPG) ang mga ulat na nagsasabing lahat ng sasakyang pumapasok sa Camp Crame ay iniinspeksyon dahil umano sa isang SUV na dawit sa kasong kidnapping.

Ayon sa HPG, matagal nang bahagi ng kanilang regular na tungkulin ang inspeksyon ang mga sasakyan alinsunod sa security protocols ng PNP upang matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan, pasilidad, at mga bumibisita sa kampo.

Ipinaliwanag pa ng HPG na ang mga inspeksyon ay alinsunod sa opisyal na polisiya ng PNP sa seguridad na nagtatakda ng access control, vehicle registration, identification system, at iba pang hakbang para maiwasan ang panloob at panlabas na banta.

Dagdag pa ng HPG, ang kanilang mandato sa vehicle control at access management ay tuloy-tuloy at hindi nakatali sa iisang insidente lamang kung saan bahagi nito ang pagpapatupad ng batas trapiko, pagpigil sa paggamit ng sasakyan sa krimen.

Facebook Comments