PNP-HPG, pinaigting ang crackdown laban sa mga namimili at nangongontratang taxi driver

Patuloy ang isinasagawang crackdown ng PNP-Highway Patrol Group sa mga taxi driver na namimili at nangongontrata ng mga pasahero ngayong holiday season.

Ayon kay PNP-HPG Traffic Enforcement Unit Chief Emmanuel Tabuena – kadalasang nagdadahilan o nagpapalusot ang mga taxi driver tuwing holiday rush.

Aniya, maraming pasahero ang naghahanap ng taxi pero pinipili nila ang gusto nilang isakay.


Partikular na aniya ang medyo malapit at ang lugar ay hindi ma-traffic.

Una nang nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pasaway na taxi drivers na pagmumultahin ang mga ito o tatanggalan sila ng prangkisa.

 

Facebook Comments