Humingi ng pang-unawa sa publiko ang Philippine National Police (PNP) sakaling maabala ng ipinatutupad nilang seguridad.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac, magiging aktibo na ang mga pulis sa paglalagay ng mga checkpoint at pag-iinspeksyon sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Aniya, layon lang nitong matiyak na hindi na maulit ang nangyaring twin bombing sa Jolo, Sulu.
Kasabay nito, nanawagan si Banac sa publiko na maging mapagmatyag at ipagbigay alam agad sa mga awtoridad kung may kahina-hinalang tao o grupo sa kanilang lugar.
Facebook Comments