Humingi ng pang-unawa ang Philippine National Police (PNP) sa publiko matapos ang mga ulat ng komprontasyon sa pagitan ng mga pulis at sibilyan sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier Gen. Bernard Banac, ginagawa lang nila ang kanilang trabaho sa pagpapatupad ng ECQ measures.
Gayunman, aminado siyang kinakapos ang mga ito sa pasensya dahil na rin sa sobrang init, pagod at stress.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Banac ang kapulisan na habaan ang pasensya at panatilihin ang disiplina sa pagsita sa mga sibilyan.
Una rito, nagpahayag ng pagkabahala ang UN-High Commissioner for Human dahil sa anila’y “highly militarized response” ng gobyerno sa mga lumalabag sa ECQ.
Matatandaang kamakailan lang nang kumalat sa social media ang pagtatalo ng pulis at foreigner sa isang subdivision sa makati dahil sa paglabas sa ECQ gayundin ang pagpatay ng pulis kay retired Army Corporal Winston Ragos sa isang quarantine checkpoint sa Quezon City.
Kaugnay nito, hinikayat ni Banac ang publiko na magsumbong sa otoridad kung sa tingin nila ay nalabag ng isang pulis ang kanilang karapatang pantao sa pagpapairal ng ECQ measures.