Manila, Philippines – Dinepensahan ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang PNP na huwag sisihin ang pambansang pulisya sa mga patayan na nangyari sa kampanya kontra iligal na droga.
Ito ay bunsod pa rin ng survey ng SWS kung saan maraming Pilipino ang naniniwalang nagsisinungaling ang mga pulis kapag sinasabing nanlaban ang mga drug suspect kaya napapatay.
Ayon kay Barbers, maaaring may kinalaman din sa pagkamatay ng mga drug suspects ang mga bugok na pulis at pulitiko.
Dagdag pa ng kongresista, gawain din ng mga sindikato ang paglikida sa kanilang mga miyembro bilang paraan nang paglilinis ng kanilang hanay.
Hindi rin aniya masisisi kung may mga pulis na nakakapatay dahil ang mga kalaban sa iligal na droga ay handang mamatay mapagtakpan lang ang utak ng kanilang sindikato.