
Aminado ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na hirap silang umusad sa imbestigasyon kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, wala pa rin sa kanilang kamay ang sinumpaang salaysay ni alyas “Totoy” na isang akusado at dating security guard sa Manila Arena na ngayo’y tumatayong state witness na nagsabing inilibing ‘di umano ang mga bangkay ng sabungero sa Taal Lake.
Ayon kay Dulay, napakahalaga ng salaysay ni Totoy para patibayin ang mga alegasyon.
Sa mga naging pahayag ni Totoy, nasa 20 pulis umano ang posibleng sangkot sa pagkawala ng ilang sabungero.
Matatandaang pitong pulis na ang na-dismiss sa serbisyo noong 2022 kaugnay ng naturang kaso bago pa man lumutang si alias Totoy.









