PNP-IAS, ibinaba na lamang sa 40 araw ang parusa sa pulis na bumaril sa batang may autism sa Valenzuela City

Ibinaba na lamang sa 40 araw ang parusa kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo matapos barilin ang isang 18-anyos na may autism spectrum disorder.

Paliwanag ni Philippine National Police – Internal Affairs Service (IAS) chief Inspector General Alfegar Triambulo, dapat ay 60 araw na suspensyon ang parusa pero binawasan ito dahil sa mga natanggap na pangaral sa serbisyo ni Salcedo.

Pero ayon kay Helen Arnigo, ina ng biktima, hindi ito sapat at hindi siya papayag na ganoon lamang kagaan ang parusa dahil walang kalaban-laban ang kaniyang anak sa ginawang pamamaril ng pulis.


Dahil dito, nanawagan si Arnigo kay PNP Chief Guillermo Eleazar na bigyan ng nararapat na parusa ang nakapatay sa kaniyang anak.

Facebook Comments