PNP-IAS, nakitaan ng probable cause ang 16 na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos

Manila, Philippines – Nakitaan ng PNP Internal Affairs Service ng probable cause ang labing anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng menor de edad na si Kian Delos Santos na nasawi sa operasyon iligal na droga ng PNP sa Caloocan.

Ito ang kinumpirma ni PNP IAS inspector General Atty. Alfegar Triambulo.

Aniya, dahil sa circumstantial evidence o dahil sa mga ebidensyang nakuha sa crime scene, maging batay sa mga statement ng mga testigo kung kayat nakitaan ng probable cause ang mga pulis.


Dahil sa nakitang probable cause, sasampahan ng kasong administratibo ang mga ito.

Matatandaang apat sa labing anim na pulis ay sinibak sa pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa kanila dahil sa mga kasong grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty at serious neglect of duty.

Facebook Comments