PNP IAS naniniwalang may “white wash” sa imbestigasyon ng kaso ng 13 pulis Pampanga na umano’y  sangkot sa recycling of illegal drugs

Tahasang sinabi ni PNP Inspector General Alfegar Triambulo na may white wash o cover up sa imbestigasyon sa kaso ng 13 pulis Pampanga na sangkot umano sa recycling of drugs sa Pampanga noong 2013.

Kaya naging kulang ang kanilang ebidensya sa administrative case na isinampa laban sa mga ito.

Dahil dito magsasampa ng mga panibagong kaso ang PNP IAS laban sa 13 pulis.


Ibabatay aniya nila ang ebidensya sa testimonial evidence at pag-amin ng mga testigo sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa recycling of drugs ng 13 pulis Pampanga.

Hindi naman magiging sakop sa imbestigasyon at masasampahan ng kasong administratibo si resigned PNP Chief Oscar Albayalde dahil National Police Commission o NAPOLCOM na ang nakakasakop rito.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado maging si resigned PNP Chief Oscar Albayalde ay isinasangkot sa recycling of drugs na siya noong PNP Provincial Director ng Pampanga dahilan ng pagbibitiw nito sa pwesto.

Facebook Comments