PNP IAS, pumasok na sa imbestigasyon hinggil sa pagkasawi ng isang pulis sa Pampanga

PHOTO: Office of the Chief PNP/Facebook

Nagsasagawa na ng “motu propio” investigation ang Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagkasawi ng isang pulis sa rescue operations sa Pampanga.

Ayon kay PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay, aalamin nila kung nagkaroon ba ng friendly fire dahilan nang pagkasawi ni Police Staff Sergeant Nelson Santiago at pagkasugat ni Police Chief Master Sergeant Eden Accad.

Ani Dulay, sa ngayon, nangangalap na sila ng mga ebidensya sa insidente at sakaling mapatunayan na pulis ang nakapatay dito ay tiyak na mahaharap sa patong-patong na kaso.


Nabatid sa nangyaring operasyon noong nakaraang linggo, kung saan sinugod ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang kuta ng mga Chinese kidnapper sa Angeles City, Pampanga.

Naaresto ang dalawang suspek na pawang mga Chinese rin pero nagbuwis ng buhay ang isang pulis at sugatan naman ang ka-buddy nito.

Facebook Comments