PNP, iginagalang ang desisyon ng korte hinggil sa mga pulis na dawit sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar

Nirerespeto ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng Navotas Regional Trial Court Branch 286 sa mga pulis na dawit sa pagkamatay ng 17 yrs. old na si Jerhode “Jemboy” Baltazar noong August 2, 2023.

Sa desisyon ng korte, guilty sa kasong homicide si Police Staff Sergeant Gerry Sabate Maliban habang convicted naman sa illegal discharge of firearms sina Police Executive Master Sergeant Roberto Dioso Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Pines Corollo Esquillon at Patrolman Benedict Danao Mangada habang napawalang sala si Police Staff Sergeant Antonio Balcita Bugayong.

Ayon sa PNP, patunay lamang ito na sinumang mapatunayang nagkasala sa kanilang hanay at mapaparusahan at mapapanagot sa batas.


Magsisilbi rin itong aral at ‘eye-opener’ sa mga pulis na mahigpit na sumunod sa umiiral na police operational procedures.

Kasunod nito, patuloy na pinaghuhusay ng Pambansang Pulisya ang kanilang mga tauhan sa pamamagitan nang pagsasailalim sa mga ito sa training, protocols, and oversight mechanisms upang hindi na maulit pang muli ang kahalintulad na insidente.

Facebook Comments