PNP, iginagalang ang pagtatalaga kay VP Leni sa Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs

Susunod lamang ang Philippine National Police sa anumang magiging utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ay matapos italaga si Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs

 

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, gagalangin at makikipagtulungan angĀ  PNP kay VP Leni bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.


 

Matatandaang sinabi ng Pangulo na handa siyang bigyan ng kapangyarihan si VP Leni para solusyunan ang problema ng bansa sa iligal na Droga.

 

Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang ipanawagan ng Bise Presidente na kailangang repasuhin ang War on Drugs ng Administrasyon.

Facebook Comments