PNP, iginiit na hindi magpapagamit sa mga pulitiko sa nalalapit na eleksyon

Muling pinawi ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko na baka magamit ang kapulisan sa interes ng ilang pulitiko para sa eleksyon sa Mayo.

Pagtitiyak ni Police Col. Bernard Banac, Spokesperson ng PNP, mananatiling non-partisan o walang kakampihang partido ang PNP.

Kasunod nito, sinabi nya na patuloy ang kanilang paalala sa mga nakakalat nilang pulis na huwag magpaimpluwensya at magpagamit sa pulitiko dahil ang katapatan nila ay wala sa partido.


Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayade na ‘non-partisan’ ang PNP base sa ginagawa nilang mga balasahan kapag nakikitaan nila ng anomalya ang mga pulis sa lugar kung saan ito nakadestino.

Dagdag pa nya, kung may nakita man silang mga pulis na nag-e-escort o nagbibigay ng ‘unauthorized security’ sa mga kandidato ay agad nila itong sisibakin sa pwesto kasama ang Chief of Police nito at maging Provincial Director.

Facebook Comments