PNP, iginiit na iregular ang pag-alis ng isang private jet mula sa NAIA noong February 13

Iginiit ng Philippine National Police na mayroong iregularidad sa pag-alis ng isang private jet mula sa Ninoy Aquino International Airport noong February 13.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, hindi sumailalim ito sa pre-flight inspection ng Aviation Security Group at kulang ang nakalistang anim na pasahero sa manifesto ng eroplano.

Batay kasi sa ulat ng Avsegroup, nakapagtala sila ng higit sa anim na kataong sumakay sa private jet kaya hindi ito binigyan ng clearance upang sumahimpapawid.


Ayon pa kay Fajardo, naitala rin ang kaparehong insidente noong December 2022 kung saan pinaghihinalaang naunsyameng human trafficking incident.

Unang ibinunyag ni Senator Grace Poe sa kaniyang privilege speech noong Miyerkules ang sinasabing bagong modus ng human trafficking sa NAIA at nakatakdang imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments