PNP, iginiit na lehitimo ang mga operasyon laban sa mga komunistang rebelde

Walang nilabag na batas sa mga operasyon ang mga pulis laban sa mga komunistang rebelde.

Ito ang pinanindigan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas kasunod ng madugong operasyon sa Southern Luzon na ikinasawi ng siyam na aktibista at ikinasugat ng anim na iba pa.

Dagdag pa nito, pinaghirapan daw nila ang pagkuha nito mula sa judge dahil sa Reklamong Illegal Possession of Firearms.


Hindi naman sinagot ni Sinas kung nagpalakas ba ng kanilang loob ang ‘go signal’ ng Pangulo na tapusin ang mga komunistang rebelde.

Sa talumpati kasi ng Pangulo sa launching ng Cagayan de Oro Community Project sa ilalim ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sinabi nitong “patayin na ang mga komunistang rebelde.”

Una nang inihayag ng PNP Calabarzon na nagsagawa sila ng malawakang pagsilbi ng search warrants laban sa mga terorista sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Anim ang nasawi sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite.

Nakuha rin ng mga otoridad ang mga pampasabog, ilang mga baril mula sa mga namatay.

Facebook Comments