PNP, iginiit na makatarungan ang pag-aresto sa mahigit 90 na indibidwal na nagtangkang angkinin ang isang lupain sa Tinang, Tarlac

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao na kumilos ng naayon sa batas ang mga pulis nang arestuhin ang mahigit 90 indibidwal na nagsagawa ng panggugulo sa Hacienda Tinang sa Tarlac.

Ayon kay Lt. Gen. Danao, ang mga nahuli ay isinailalim sa kustodiya dahil sa alegasyon ng Malicious Mischief, Direct Assault, Disobedience and Resistance to Persons in Authority, Obstruction of Justice, at Illegal Assembly.

Batay narin aniya ito sa reklamo ng mga magsasakang residente ng Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac, na sinira ang kanilang mga pananim ng mga miymebro ng Kadamay, Anakpawis at iba pang mga nagtangkang pwersahang umokupa ng kanilang sakahan.


Giit ni Lt. Gen. Danao, ang ginawa ng mga militanteng grupo na pagbungkal sa mga mais na nakatanim sa bukid ng may bukid na gusto nilang sakupin ay sadyang hindi makatarungan.”

Rumesponde lang aniya ang mga pulis ng naayon sa lehitimong reklamo ng mga biktima.

Binigyang diin ng Heneral na walang pinapanigan ang PNP pagdating sa mga “land disputes” at tutulong lang sa pagpapatupad ng mga lehitimong kautusan ng korte.

Facebook Comments