PNP, iginiit na maliit na porsyento lang ang kaso ng drug-related killings sa bansa

Manila, Philippines – Maliit na porsyento lamang sa naitatalang kaso ng homicide o itong sinasabing extra judicial killings ang may kinalaman sa kaso ng iligal na droga sa bansa.

Ito ang pinanindigan ng Philippine National Police sa harap ng mga kaliwat kanang pagbatikos na naman sa PNP sa dumaraming kaso ng pagpatay na may kinalaman daw sa operasyon kontra iligal na droga ng pulisya at suspek ay pulis.

Batay sa rekord ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM 2.5 percent lamang sa kabuuang 15, 911 na kaso ng homicide ang may kinalaman sa iligal na droga.


Ito ay batay sa kanilang rekord mula July 1, 2016 hanggang September 15, 2017.

Pero nilinaw ni PNP Spokesman Police chief Supt. Dionard Carlos na hindi pulis ang suspek sa mga pagpatay na may kinalaman sa iligal na droga.
Kahapon, una nang sinabi ni Carlos na walang matibay na basehan ang ginawang tanong ng survey ng Social Weather Station.

Sa naging resulta ng survey, lumalabas na kalahati sa mga Pilipino ay hindi naniniwalang nanlaban ang mga napatay sa anti-illegal drugs operation.

Paliwanag pa ni Carlos na ang motibo ng halos lahat ng kaso ng homicide cases na naitala sa buong bansa ay personal na away, love triangle, at rido at konting porsyento lamang ang kaso ng pagpagpatay na may kinalaman sa iligal na droga.

Facebook Comments