PNP, iginiit na marami pa ring pulis ang tapat na naglilingkod sa bansa

Mas marami pa ring pulis ang nais magsilbi sa bayan kaysa sa mga umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Brigadier General Ildebrandi Usana matapos na pagbabarilin ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio nitong Linggo sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay Usana, ang ginawa ni Nuezca ay personal at walang kinalaman sa performance nito bilang police officer.


Aniya, hindi patas na akusahan ang buong Pambansang Pulisya dahil lamang sa kagagawan ng isang police officer.

Umapela naman si Usana sa mga pulis na maging mahinahon at huwag madala sa init ng ulo sa mga isyu sa kanilang komunidad lalo na sa kanilang mga kapitbahay.

Facebook Comments