PNP, iginiit na may karapatang magrekomenda ng extension ng Martial Law

Manila, Philippines – May karapatan ang Philippine National Police na magrekomenda para mapalawig ang batas military.

Ito ang iginiit ni PNP Spokesperson police chief supt. Dionardo Carlos sa harap ng kaliwat kanang batikos sa PNP dahil sa umanoy pangunguna nito sa pagpapalawig ng Martial Law.

Paliwanag ni Carlos, co-implentator si PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa ipinatutupad na martial law sa Mindanao.


Lahat aniya ng mga nagawa at ginagawa ng hanay ng Philippine National Police para sa martial law ay bahagi ng kanilang input upang maging basehan sa parerekomenda nila ng pagpapalawig ng martial law.

Kahapon, sinabi ni PNP Chief Dela Rosa na ngayong araw nila isusumite sa Malacañang ang kanilang position paper para sa kanilang recommendation sa extension ng martial law.

Facebook Comments