PNP, iginiit na walang kinalaman ang mga pulis sa EJK

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Guillermo Eleazar na walang kinalaman sa extrajudicial killings (EJKs) ang kapulisan.

Kaugnay ito ng hiling ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga EJK o paglabag sa karapatang tao sa kasagsagan ng war on drugs campaign ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Eleazar, karapatan din ng mga pulis na protektahan ang kanilang mga sarili sa gitna ng mga operasyon.


“Tungkol naman doon sa inaakusahan ang ating pulis ay wala pong katotohanan iyan. Laging malinaw naman ang sinasabi ng ating Pangulo. And on the series of conference that I attended ay laging sinasabi niya na ‘gawin iyong tama!’ Pero sinasabi rin niya dapat ay proteksiyunan ang ating sarili; huwag naman tayong papayag na pagdating doon ay nandoon sa sitwasyon na nasa panganib ang buhay ay ikaw pa ang unang mamamatay,” wika ni Eleazar.

Giit ni Eleazar, patunay ng kanyang kumpiyansa sa kapulisan ay ang pagbibigay ng PNP ng nasa 53 case file sa Department of Justice (DOJ) para kanila itong pag-aralan.

“All these documents that we have pati na rin iyong sinasabi natin na imbestigahan ng IAS natin, all the cases of anti-illegal drug operations that resulted in the death of the suspects or even the policeman, puwede po iyan na ma-review ng DOJ,” ani Eleazar.

Facebook Comments