PNP, iginiit na walang special treatment sa driver ng SUV na sumagasa sa sikyu sa Mandaluyong

Walang special treatment na ibinibigay ang Philippine National Police (PNP) sa driver ng SUV na sumagasa sa security guard sa Mandaluyong kamakailan.

Ito ang iginiit ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon.

Ito ay sa harap ng mga haka-haka na hindi maaresto ng PNP ang may-ari ng SUV na si Jose Antonio San Vicente dahil sa mayaman ito.


Paliwanag ni De Leon, mas determinado pa nga ang PNP na arestohin si San Vicente dahil apektado ang imahe ng PNP sa patuloy na pagmamatigas ni San Vicente sa kabila ng hamon ni PNP Officer-in-Charge Vicente Danao Jr., na sumuko na ito.

Aniya, hinihintay lang ng PNP ang arrest warrant, at patutunayan nila na mali ang paniniwala ni San Vicente na siya ay “above the law”.

Ngayon palang aniya ay naghahanda ng mga “tracker teams” ang PNP upang tugisin si San Vicente sa oras na may hawak na silang arrest warrant.

Facebook Comments