Manila, Philippines – Ikinokonsidera ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuo ng special task force na tututok sa pinagmulan ng mga floating cocaine na natagpuan sa mga karagatan ng bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Bernard Banac, ito ay matapos ang sunod-sunod na pagkakarekober sa mga bloke ng cocaine sa eastern seaboard ng bansa.
Aniya, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy para matukoy ang pinagmulan ng mga floating cocaine.
Aminado naman ang PNP na mahirap tukuyin ang oras at panahon kung kailan kumikilos ang mga sindikato para ipakalat ang mga kontrabando dahil sa lawak ng karagatan.
Kasabay nito, umapela ang PNP sa publiko na agad makipag-ugnayan sa kanila sa kanilang may nakita silang mga cocaine sa karagatan.