PNP Iligan nilinaw na hindi nila tinigilan ang operasyon laban sa illegal na droga

ILIGAN CITY- Nilinaw ng PNP Iligan na hindi nila tinigil ang kanilang operasyon laban sa illegal na druga.
Sinabi ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na kahit nakato-on ang kanilang atensyon ngayon sa mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dahil sa gulong nangyayari sa lungsod ng Marawi andiyan pa rin ang kanyang mga tauhan na nakatutok sa operasyon laban sa illegal na druga.
Ayon kay Ga, hindi kailan man na ipagwalang bahala na lamang ang kampanya ng pamahalaan lalong-lalo na isa ito sa nabanggit sa State of the Nation Address o SONA ni Presidente Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa illegal na druga.
Naniniwala ang kapulisan ng lungsod na kung sakaling matapos na ang kagulohang nangyayari sa Marawi balik ang kanilang atensyon sa pakig-giyera din laban sa illegal na druga at buhayin uli ang operasyon tokhang at double barrel. (GHINER L. CABANDAY, RMN DXIC ILIGAN)

Facebook Comments