PNP Iligan patuloy na nananawagan sa mga Iliganon na e-report kaagad sa mga otoridad kung may matatanggap na banta ng seguridad sa pamamagitan ng text messages

194

ILIGAN CITY- Patuloy na nananawagan ngayo si Iligan PNP City Director Police SeniorSuperintendent Leony Roy Ga sa mga Iliganon nga e-report agad sa pinakamalapitna police station sa lungsod kung may matanggap na banta ng seguridad sapamamagitan ng text messages.

Huwag na aniyang e-post at e-share pa sa social mediapara hindi na ito kumalat pa at maging sanhi ng pagkapanic sa iba pangmakakatanggap ng naturang impormasyon.
Sinabi ni Ga na kung sakaling may matatangap na banta ngseguridad, agad nalang itong e-report sa mga otoridad para ma-verify kung totooba o hindi ang natanggap na impormasyon.

Ayon kay Ga nagkalat ngayon ang mga pekeng impormasyon satext messages o kaya’y sa social media para lituhin at ilagay sa panganib angmamamayan.


Posible umanong diversionary tactics ito ng mgateroristang grupo kayat payo ni Ga na ipagbigay agad sa mga otoridad ang kahitano mang matanggap na banta ng seguridad para ito ay mapaghandaan.(GHINER L.CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

 

Facebook Comments