PNP, inaalam na kung totoong mga pulis ang dumukot sa isang dayuhan sa Zamboanga del Norte

Iniimbestigahan na ng Police Regional Office (PRO) 9 kung may katotohanan na mga pulis ang sangkot sa pagdukot sa isang American national sa Zamboanga del Norte kagabi.

Sa impormasyon mula kay PRO 9 Spokesperson PLtCol. Helen Galvez, hindi pa kasi kumpirmado kung mga pulis ba talaga ang mga tumangay sa biktima.

Base sa initial report, nagpakilala ang apat na suspek na sila ay law enforcement officer habang bitbit ang M16 rifles.


Hinihimok ni Galvez ang sinumang may impormasyon sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad kasabay nang pagtitiyak sa kanilang kaligtasan.

Ang dayuhan ay isinakay sa bangka at tinahak ang direksyong pa-Sulu at Basilan.

Facebook Comments