PNP, inaalam na rin ang koneksyon ng mga local officials na nasa drug matrix ng Pangulo sa Maute Terrorist Group

Manila, Philippines – Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Philippine National Police upang makumpirma ang impormasyong pinopondohan ng mga local officials, na nasa bagong drug matrix ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang Maute Terrorist Group na ngayon ay patuloy na lumalaban sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, hindi nila inaalis ang posibilidad na nagagamit ng Maute Terrorist Group ang kita sa iligal na droga at iba pang criminal activities para makalikom ng pondo para sa kanilang pakikipaglaban.

Bukod dito inaalam na rin ng PNP kung ang isa sa pinag-ugatan ng umano ay pakikipagsabwatan ng mga local officials sa Maute Terrorist Group ay dahil sa maigting na war on drugs ng PNP mula nang pumasok ang administrasyong Duterte.


Sa ngayon, ang PNP Intelligence Unit ang nangunguna sa operasyon at pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang koneksyon ng mga local officials na nasa drug matrix ng Pangulo sa Maute Group.

Facebook Comments