
Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng police units na mag-monitor at sugpuin ang posibleng mga aktibidad ng paniniktik sa buong bansa.
Ang direktibang ito ay inilabas ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. kasunod ng pagkakaaresto sa isang 30 anyos na Mongolian aviation student, na isa pa lang trained jet fighter pilot ng Chinese military.
Ayon sa intelligence report, siya ay kumukuha ng aerial photos ng Iba Airport at sa kalapit na Palauig River, na nasa 5 nautical miles mula sa nasabing paliparan.
Tiniyak naman ni Nartatez na palalakasin nito ang kooperasyon sa kaugnay na mga ahensya ng pamahalaan upang masiguro na ang anumang banta ay ma-detect agad ng maaga at epektibong masugpo.
Facebook Comments










