PNP, inalerto na ang iba’t ibang police unit kaugnay sa posibleng pag-atake ng CPP-NPA

Inalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang iba’t ibang police unit kaugnay sa posibleng pag-atake ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Sinas, base sa mga nakalipas na dekada, kadalasang nagpapakita ang CPP-NPA-NDF ng kanilang pwersa tuwing sumasapit ang kanilang anibersaryo na magaganap sa December 26.

Kaya aniya dapat na maging alerto ang pulisya lalo’t hindi nagdeklara ng tigil putukan ang CPP sa pagitan ng militar.


Samantala, nanawagan ng “impartial and serious” na imbestigasyon si Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos, Negros Oriental kasunod ng murder sa na-red-tag na doktor at asawa nito.

Paliwanag ni Alminaza, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang malinaw na resulta sa imbestigasyon.

Maaalalang noong Martes (December 15) nang pinatay si Dr. Mary Rose Sancelan, Head ng local COVID-19 Task Force sa Guihulngan City, Negros Oriental, at asawa nitong si Edwin Sancelan.

Facebook Comments