PNP, inaming may ilang mga tauhang nalulong sa E-games

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na may ilan silang mga tauhan na nalulong sa e-games.

Sa pagdinig ng Senado patungkol sa mga online games, binusisi ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian ang mga PNP personnel na nababaon sa utang dahil sa illegal gambling ng e-games at maging ng e-sabong.

Ayon kay PBGen. Raul Tataca, may mga tauhan silang nasangkot sa mga ganitong aktibidad na agad nilang sinampahan ng kasong administratibo.


Marami na rin aniyang pulis ang nadismiss na sa serbisyo habang ang ilan ay ongoing pa ang imbestigasyon sa kaso.

Bukod dito nagsasagawa rin ang PNP ng spot inspection kung saan sinisilip pati ang nilalaman ng cellphone at kapag nakita na may mga applications ng e-games ay agad isinasailalim sa imbestigasyon ang pulis.

Naunang inihayag ng PNP ang kanilang suporta sa mga panukalang batas na nakahain sa Senado patungkol sa tuluyang pag-ban ng online gaming at POGO sa bansa.

Facebook Comments