PNP, inatasan ang lahat ng Police Regional Offices sa mga lugar na tinamaan ng lindol na maging handa para sa disaster response operations

Bukas ang komunikasyon ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng PNP Units and Offices sa Northern Luzon kung saan tumama ang malakas na lindol kaninang umaga.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge, PLt. Gen. Vicente Danao Jr., inatasan na niya ang Police Regional Offices sa Cordillera Ilocos-Pangasinan Region at Cagayan Valley Region upang siguraduhin ang kahandaan ng pwersa ng kapulisan para sa disaster response operations sa pakikipagtulungan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at mga apektadong Local Government Unit (LGU).

Sinabi pa ni Gen. Danao na activated na rin ang Sub-Committee on Natural Disaster (SCND), National Disaster Operation Center (NDOC) at PNP Command Center sa National headquarters para sa coordination ng lahat ng disaster response operations ng PNP units.


Samantala, inalerto na rin ng PNP chief ang lahat ng National Support Units with disaster response capability para sa posibleng augmentation sa mga apektadong rehiyon.

Kabilang dito ang Special Action Force, Maritime Group, Police Community Affairs and Development Group, Highway Patrol Group at Health Service.

Facebook Comments