Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang mga regional director at commanders nito na magsagawa ng regular inspection sa kani-kanilang ammunition depots.
Kasunod ito ng nangyaring sunog sa isang ammunition complex sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City na sumira sa 27.7 milyong pisong halaga ng ammunition noong Lunes.
Sinabi ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, ito ay para makapaglatag ng preventive measures lalo na sa paghawak at pagtago ng mga bala.
Paliwanag ni De Leon, dapat gawin din ng pambansang pulisya ang pag-inspekyon sa mga storage areas gayong marami sila nakukumpiska armas at bala mula sa mga nahuhuling kriminal.
Nagbabala naman ito na mahaharap sa kasong administratibo ang sinumang mapag-aalamang responsible sa maling paghawak at pagtago ng mga naturang kagamitan.