Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na mas maging mapagbantay laban sa mga kriminal ngayong dahan-dahan nang niluluwagan ang community quarantine sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat magtuloy-tuloy ang naitalang mababang antas ng krimen ng pulisya at hindi dapat magpaka-kampante sa nakamit nitong 61% crime reduction rate.
Ani Año,dapat higpitan ang pagroronda dahil dahil maaring magpapanggap ang mga masasamang elemento na papasok sa trabaho para makabalik sa kanilang kriminal na gawain.
Binigyan diin ng kalihim na dapat na mas maging mahigpit pa rin sa pagpapatupad ng quarantine protocols tulad ng pananatili ng mga checkpoints at ang pagsita sa mga walang hawak na quarantine passes na inisyu ng mga Local Government Units (LGUs).
Sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), ang mga papayagan lamang ang movement ay ang mga nagtatrabaho sa mga bubuksang industriya at mga essential services.